Pilipinas bago dumating ang mga Kastila
Bago pa man dumating ang mga Kastila, noong unang panahon ang mga Negrito o Ita, Intsik, Persiano, Bumbay, Malacca, Indones at Malay ang siyang mamamayan ng Pilipinas. Ang bawat isa ay may naging malaking kontribusyon sa ating pamumuhay, kultura at paniniwala. Sinasabing nasa sangandaan ang Pilipinas ng rutang pangkalakalan kayat ang mga Pilipino ay may magandang ugnayan sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay binubuo nang ibat - ibang pulo ng pamayanan. Dito nabuo ang sibilisasyon. Ang bawat pamayanan ay may kanya kanyang kinaroroonan at laki depende sa pamilyang naninirahan. Karaniwang matatagpuan ang malaking pamayanan sa mga baybaying dagat. Ang iba naman ay nasa kapatagan at kabundukan. Kadalasan ang hanapbuhay ng mga tao noon ay ang pagtanim ng mga palay, pangangaso, pangingisda,pagkakaingin at pakikipag-kalakalan. Ipinagpapalit nila ang mga palay, lamang dagat, pampalasa, banga at iba pang mga produktong luwad para sa mga porselana, alahas, at iba pang mga produkto sa karatig bansa. Dahil ang Pilipinas ay napapalibutan ng karagatan, kalimitan ang mga tao at migrasyonsa ay nagbibiyahe gamit ang sasakyang pang dagat. Dahil sa ganda at yaman ng Pilipinas marami sa mga dayuhan ang nanirahan at namuhunan. Naging laganap ang sosyal at naitatag ang organisasyon ng populasyon sa pulo. Ang bawat pamayanan ay may namamahala at nabuong sistema. Ang barangay ang syang naging yunit ng pamahalaan at ito ay pinamumunuan ng datu. Isinasaad na ang mga may malawak na kaalaman o maaring dating anak ng pinuno ang kadalasang naghahari. Ang bawat isa ay nagkakaisa at may sinusunod na alituntunin. Ang ating mga ninuno ay napag-alamang masipag, matapat, hindi nanglalamang ng kapwa, at magiliw sa mga panauhin noon pa man. Pahayag rin na ang sibilisasyon ng Pilipino ay sadyang puno ng kaalaman, ibat – ibang katangian, masaganang pangkabuhayan, at makasaysayang pangyayari bago datnin ng mga Kastila.
Commemorating it's more fun in the Philippines! :)
ang lufet po .. salamat
ReplyDelete